Walang Batas sa Sugat cover

Walang Batas sa Sugat - No Rules for Wounds

Written by Gabriel Ciego • Board by Arjay Samson | 4 July 24

Ito ang nalalabing hawig ng katwiran, ang ulan.

This is the remaining semblance of reason, the rain.

Darating para mamurga. 

It visits to cleanse.

Tinatatakan kami ng panahon bilang preso, 

The weather brands us like prisoners,

Sinusugatan sa diin ng hiblang tubig—

Scarring with the threads of water flowing

Tumatapon mula sa nakataas na kamay. 

From surrendering arms.

Sinisinok, sinisinok. Sinusulsi ng oras.

Stuttering, stuttering. Mended by time.

Tagpi-tagpi. Tagpo-tagpo.

Patchwork. Rendezvous.

Nawawala. Nabubuo.

Into mist. Into more.

Sa kalagpasan ng mga alon.

Astray by the oceans.

Hinabi kami sa hinawing hamog ng kalsada,

We are weaved in fading street fog,

Umuuwi sa sariling pahintulot.

Holding our own hands on the way home.

Giniginaw, giniginaw. Kinukumutan ng mga gabi.

Shivering, shivering. Embraced by many moons.

Madilim na ang ilalim ng naghihingalong posteng kahoy.

It has become dark under the rotting wooden lamp post.

Putol na ang linya ng kuryente kong salita.

The electricity of my words has died out.

Mahina na ang pagkalat ng liwanag.

The light grows dimmer.

Naghihintay ang Conchang nakapayong. 

Concha waits under umbrella.

Kasihan nawa ako ng Diyos.

So help me God.

Amen.

Amen.